##about.aboutContext##
Ang AKCIJE ay ang opisyal na akademikong journal ng Merz Institute of Lay Empowerment and Spirituality (MILES) sa ilalim ng Cause for Canonization of Blessed Ivan Merz, Inc. Itinatag ito upang maging pangunahing daluyan ng maka-agham at maka-simbahang pananaliksik na nakaugat sa buhay at misyon ni Beato Ivan Merz—isang huwarang guro, layko, at apostol ng kabataan.
Layunin ng AKCIJE na tipunin at ilathala ang mga pag-aaral, sanaysay, at pananaliksik na nakatuon sa sumusunod:
- Ang espirituwalidad ni Beato Ivan Merz at ang kanyang ambag sa Catholic Action;
- Teolohiya, pilosopiya, at kasaysayan ng Simbahang Katolika;
- Pormasyon ng mga layko at apostolado ng kabataan;
- Mga kontemporaneong aplikasyon ng pananampalataya sa lipunang Filipino at sa pandaigdigang konteksto.
Bilang journal, binibigyang-diin ng AKCIJE ang tatlong haligi ng misyon ng MILES: kabanalan, misyon ng ebanghelisasyon, at paglilingkod sa kapwa. Sa pamamagitan ng makabuluhang talastasan ng mga iskolar, guro, at lingkod ng Simbahan, itinataguyod ng journal ang pananampalatayang matatag, intelektuwal, at angkop sa kultural na konteksto.
Ang AKCIJE ay may adhikaing magiging pangunahing espasyo para sa mga mananaliksik at tagapaglingkod na nagnanais makibahagi sa misyon ng Simbahan; ang palaganapin si Kristo sa lahat ng larangan ng buhay, sa pamamagitan ng katotohanan at pagmamahal.